Inanunsyo ng Malacañang ngayong araw ang inaprubahang bagong polisiya ng Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay sa testing requirements para sa mga unvaccinated on-site employees o mga hindi pa bakunadong manggagawa, pampubliko man o pribadong sektor sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Base sa impormasyon mula sa Palasyo, kapag may sapat na suplay ng covid-19 vaccine sa lugar kung saan nagtatrabaho ang isang hindi pa bakunadong manggagawa, required itong magpabakuna.
Kung mananatili naman itong unvaccinated, kailangan niyang sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo o lingguhan naman kung antigen test ang gagawin.
Para sa mga unvaccinated government workers, maaaring sagutin ng pamahalaan ang kanyang testing kung may pondo.
Gayunman, sa gitna ng mga patakarang ito, maaaring ma’wave o kanselahin na ang testing requirement kung nasa ilalim ng Alert Level 1 ang lugar ng pinagtatrabahuhan.
Samantala, exempted naman sa testing requirement ang mga manggagawa na na-infect ng COVID-19 sa nakalipas na siyamnapung araw at ang mga mayroong and alternative work arrangements kung saan hindi na kailangan magreport on-site. (CLAY MARQUEZ)
#