DILG pinaalalahanan ang mga bagong halal na opisyal na paghandaan ang mga pagsubok na darating

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government ang mga bagong halal na opisyal ng bayan na paghandaan ang mga pagsubok na darating.

Sa kaniyang pananalita sa isinagawang Oath Taking Ceremony ng mga newly elected officials sa bayan ng Basud, Camarines Norte kagabi, sinabi ni DILG Provincial Director Ray Caceres na dapat pakatandaan ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ang mas malalaking pagsubok sa mga sususnod na araw.

Binanggit ni Caceres ang tungkol sa devolution of power na bunga ng Mandanas law kung saan malaki ang papel na gagampanan ng mga LGU.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kinilala rin nito ang ilang best practices ng mga LGU partikular sa usapin ng local economic development.

Samantala, pinaalalahanan  naman ng opisyal na dapat pang paigtingin ng LGU Basud ang tungkol sa disaster risk reduction.

Isa umano ito sa dahilan kung bakit hindi nasungkit ng naturang LGU ang Seal of Good Local Governance (SGLG).

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mayroon daw kasing ceiling o porsiento sa disaster fund na dapat na magastos.

Paliwanag ng opisyal  na tinitingnan ng DILG ang utilization ng disaster fund dahil hindi aniya kailangang hintayin ang kalamidad para gumastos.

May  justification naman daw ang naturang LGU tungkol dito.

Binalikat daw kasi ng mga barangay ang gastusin bagay na ipinagpasalamat ng opisyal sa mga opisyal ng barangay.