Panunumpa kahapon ng bagong uupong Gobernador ng Albay Province

LEGAZPI CITY – Pormal nang nanumpa si dating Legazpi City Mayor at ngayon ay bagong Gobernador ng Albay, Noel E. Rosal sa Albay Astrodme kahapon ng umaga Kasabay rin nito sa panunumpa si Albay Vice Governor Edcel Grex Lagman sa kanyang panunungkulan bilang muling bise Gobernador ng Probinsya ng Albay at kasama rin sa panunumpa ang mga nanalong Board Member ng lalawigan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umani ng tuwa at palakpakan ang bagong gobernador ng kanyang mabanggit ang pagiging dating alkalde nang siya ay manumpa.

Kasama niya ang kanyang pamilya, mga anak at asawang si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na hahalili sa kanya. Dinumog ng maraming tao ang panunumpa ng Gobernador kasabay ang mga nanalong Board Member.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dinaluhan rin ng mga department heads ng city hall at maging ang department heads ng Provincial Capitol ang panunumpa ng mga nanalong opisyal sa Albay.