DILG, nagbigay na umano ng rekomendasyon kay Marcos kaugnay sa barangay elections

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nagbigay na sila ng rekomendasyon kay President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa barangay elections.

Ayon kay Abalos, hintayin na lang umano ang desisyon ng pangulo kung ipagpapaliban muna ito pansamantala o kung itutuloy ito ngayong darating na Disyembre.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Matatandaang na-postpone naturang eleskyon mula October 2016 hanggang May 2022 at nakatakdang isagawa ngayong December 2022.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Samantala, iginiit ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez nitong Mayo na mahigit P8 billion ang maaaring matipid ng pamahalaan kung tuluyan itong i-popostpone. (ARGIE ERGINA)