Nagbabala si Interior Sec. Benhur Abalos Jr. sa mga lokal na opisyal na matutukoy na magpapabaya sa iligal na aktibidad sa kanilang lugar
Ayon kay Abalos, ang pananagutan ng mga local officials ay hindi lamang limitado sa POGO kundi pati na rin sa lahat ng iligal na negosyo.
Maaari rin umanong humingi ng tulong ang mga lokal na pamahalaan sa pulisya upang suriin ang mga kahina-hinalang aktibdad ng mga business establishments sa kanilang nasasakupan.
Nauna nang inatasan ni Pampanga Vice Gov. Lilia Pineda ang mga lokal na opisyal ng lalawigan na mag house-to-house inspection para tuntunin ang mga POGO sa lalawigan.
Ito’y makaraang i-raid ang POGO hub sa Pampanga dahil sa iligal na aktibidad na ginagawa rito.