Walong Pilipino – napaulat na nasugatan sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Ilang armas ng sundalo ang napaulat na kinumpiska ng China sa kanilang agresibong aksyon habang nasa rotation at resupply mission sa Ayungin shoal.

Batay sa ulat, binutas din ang kanilang rigid hull inflatable boat.

Walo rin umanong sundalong Pinoy ang nasugatan, kabilang ang isang naputulan pa raw ng daliri.

Hinostage pa raw ng China ang 4 na inflatable boats ng Pilipinas pero ibinalik din naman pagkatapos ng negosasyon.

Binanggit din sa ulat na nagdeploy na ang AFP ng 6 na barko sa iba’t-ibang entry points para sa resupply mission ngunit hindi ito nakarating sa Ayungin shoal dahil sa agresibong aksyon ng China.

Sinasabing nabulabog ang China sa ibang aksyon na ito ng Western Command.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin kumpirmasyon dito ang AFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *