DILG, kinuha ang PBA sa ‘all-out war’ ng gobyerno laban sa ilegal na droga

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na extended ang laban ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa “sporting arena.”

Ito’y matapos na lumagda ang DILG ng memorandum of agreement (MOA) sa Philippine Basketball Association (PBA) sa pagpapatupad ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) program sa Game Four ng Ginebra San Miguel vs TNT Tropang Giga Governor’s Cup Championship.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon kay Abalos, na ang partnership ng DILG at PBA ay hindi lang magpapalakas sa kampanya laban sa ilegal na droga, kundi magbibigay din ng mensahe sa PBA teams, players at fans, na hindi kokonsentihin ng liga ang masamang epekto ng ilegal na droga.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ipinaliwanag naman ng kalihim na ang BIDA program ay hindi lang nakatutok sa reduction kundi nakasentro sa demand reduction, lalo’t target umano ng mga pushers at suppliers ang mga kabataan. //MHEL PACIA-TRINIDAD