DILG, itinangging tumaas ang rights violations sa mga lugar na may malaking funding mula NTF-ELCAC

Itinanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ulat na tumaas ang human rights violations sa mga barangays na nakatanggap ng malaking alokasyon sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) ng anti-insurgency task force.

Inilista ng DILG ang Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga bilang top regions na may pinakamalaking alokasyon sa ilalim ng P16.24 bilyong BDP funds kung saan 99 percent ay sinasabing nairelease na sa local governments. 

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Pero batay sa datos ng human rights watchdog na Karapatan, lumabas na ang mga parehong rehiyon ay nagtala ng pinakamaraming extrajudicial killings (EJK) simula 2016.

Sa isang pre- State of the Nation Address forum, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na di totoo ang alegasyon ng grupo at walang ebidensya o kahit anong factual basis. 

Binigyang diin ni Año na ang pondong inilaan sa mga rehiyon ay batay sa pangangailangan ng tao. 

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Mababatid na ang BDP na programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac), ay may layuning tugunan ang insurgency sa pamamagitan ng pagsusulong ng development sa mga dating conflict-ridden areas. 

Dagdag pa ng kalihim, kaya nilang harapin ang rights group sa kahit anong forum o korte at hahayaan ang Karapatan na patunayan ang mga alegasyon. 

Pero handa umano ang DILG na depensahan ang NTF-ELCAC projects sa mga barangay.