Isinailalim ng COVID-19 task force ang probinsya ng Iloilo at mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iloilo, at Gingoog sa enhanced community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga nabanggit na lugar ay isasailalim sa pinakamahigpit na quarantine status hanggang katapusan ng Hulyo.
Ang Misamis Oriental naman ay isasailalim sa general community quarantine with heightened restrictions hanggang sa katapusan ng buwan.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang reclassification ay ginawa bunsod ng rekomendasyon ng Department of Health at technical advisory group pati na ang Technical Working Group kaugnay ng COVID-19 variants.
Mababatid na naitala ng Pilipinas ang 5,221 bagong infections kahapon, dahilan para umabot na sa 1,490,665 ang total caseload.
Umabot naman na sa 82 ang bagong naitalang nasawi kaya umabot na sa 26,314 ang death toll.
