Nagbabala si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pwedeng maparusahan ang mga nasa likod ng di maayos na pag-handle ng COVID-19 vaccines matapos na makaranas ng storage facility issues ang isang vaccination site sa Muntinlupa City.
Sa isang health department forum, sinabi ni Galvez na ang mga local governments na nagreport ng nasayang na vaccines ay di na bibigyan pang muli ng parehong brand dahil di sila handa na ilagak ang mga ito.
Ayon sa kalihim, mananagot ang mga concerned local authorities at vaccine safety officers dahil sa nasayang na mga bakuna.
Aniya, mini-minimize ng gobyerno ang wastage ng mga bakuna dahil para itong ginto sa panahon ngayon.
Mababatid na sinuspinde ng Muntinlupa ang pagbabakuna sa Festival Mall dahil sa isyu sa storage facility na posibleng naka-apekto sa potency ng mga bakuna.
