DILG inatasan ang mga barangay na paigtingin ang kampanya kontra iligal na paputok

CAMARINES NORTE- Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay na paigtingin ang kampanya kontra iligal na paputok.

Sa harap ito ng pinangangambahang pagtaas ng kaso ng mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon lalo na ngayong malayang nakakagalaw ang mga tao dahil sa kawalan na halos ng restrictions.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Local Government Operations Officer VII, Cluster Head Jerwin Novio ng DILG Camarines Norte, sinabi nito na malaki ang magagawa ng mga opisyal ng Barangay lalo na ng kapitan para kung hindi man tuluyang mawala ay mapigilan man lang ang mataas na kaso ng firecraker related injury.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya dapat pakilusin ng mga kapitan ang mga Barangay Tanod at iba pang mga opisyal ng barangay at kung kinakailangan ay pati ang mga appointed officials.

Dapat umanong paigtingin ang pagroronda ng mga tanod para ipatupad ang batas na may kaugnayan sa paputok.

Pero mas malaki umano ang responsibilidad ng mga Alkalde sa pagsisiguro na walang madidisgrasya sa paputok.

Ayon pa kay Novio, may ipinalabas na memorandum si Interior Undersecretary at Officer- In- Charge Margarita Gutierez na naka- address sa mga LGU hanggang sa Barangay na nagpapaalala na ipatupad ang batas at guidelines sa pagbebenta, manufacture, distribution at paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices at pagtatalaga ng  fireworks exhibition safe zones.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakapaloob sa memorandum na dapat ay mayroong permit to possess and display fireworks mula sa PNP ang fireworks display operators.

Ang anumang fireworks activity ay dapat isang daang talampakan ang layo mula sa mga tao at ang paputok ay pataas lang.

Ang pinapayagan lang ding humawak o magpapurok ay 21 anyos pataas.

Inaatasan din ang mga LGU na dapat nakahanda ang ambulansya, first aid kit at protection equipment para sa ano mang emergency.