DILG hinimok ang mga LGU na suportahan ang selebrasyon ng World Food Day ngayong araw

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Unit sa lalawigan ng Camarines Norte na suportahan ang selebrasyon ng World Food Day (WFD) ngayong araw, October 16.

Batay sa abiso ng DILG Provincial Office, hinihimok ang Gobernador, mga Alkalde at mga Punong Barangay sa lalawigan na dalhin sa kani- kanilang lokalidad ang selebrasyon ng World Food Day at ipaunawa sa publiko ang mensahe patungkol sa food and water security.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Water is Life, water is food, Leave no one behind,” na nagtataas ng kamalayan patungkol sa kahalagahan ng pagsisisguro ng sapat na suplay ng tubig na napakahalagang susi sa food security.

Sa gitna na rin ito ng patuloy na banta ng kakapusan ng tubig na iniuugnay sa rapid population growth at climate change.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng isang porsyento sa unang kalahati ng taon noong 2022 ang agricultural at fisheries output ng bansa dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Ngayong buwan ay ginagawa ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries na layong makakalap ng mahahagalang datos patungkol sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Magtatapos ang CAF  sa October 25 ng taong kasalukuyan.