NAGA CITY- Puwedeng mag participate sa partisan political activities ang mga Barangay Officials , ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa ilalim ng April 2022 COMELEC Resolution, kasama rito ang signature drive para sa People’s Initiative.
Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay DILG Camarines Sur Provincial Director Julius Rodel l. Cal-Ortiz, sinabi nitong karapatan naman ng mga elected officials na magdisisyon para sa paninindigan ng sarili. Mas mabuti na rin aniya kung maipapaliwanag nila sa mga residente o sa nasasakupan kung ano ang People’s Initiative, ano ang mga nakapalaman dito at para saan ang pagpirma.
Ang People’s Initiative ay isa sa mga hakbang sa pag-amyenda sa 1987 Constitution o ang itinutulak na Charter Change.