DILG: 75% ng financial aid naibigay sa qualified beneficiaries sa NCR

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government na ang pamamahagi ng pandemic aid sa National Capital Region ay nasa 75% nang kompleto, kung saan P8.4 billion na ang naibigay ng mga local governments sa mga qualified beneficiaries.

Dahil dito, pinuri ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga LGUs sa Metro Manila dahil sa kanilang systematic at orderly distribution ng financial assistance sa gitna ng mataas na COVID-19 infections sa rehiyon.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Kaugnay nito, kampante si Año na makokompleto ng NCR LGUs ang distribution sa May 15, at sa katunayan may ilan na malapit nang matapos.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Mababatid na halos 23 million beneficiaries mula sa low-income households ang inaasahang makakabenepisyo sa bagong social amelioration program ng gobyerno, na ipinatupad sa National Capital Region, nang isailalim ang mga ito sa enhanced community quarantine (ECQ) noong March 29. // MHEL PACIA