DOLE, nagkaloob ng P30.8M TUPAD sahod sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine

Nagsimula na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Region 5 ng pamamahagi ng P30.8 milyong sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para sa mga manggagawa na naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay DOLE-Bicol Director Imelda Gatinao, ang pamamahagi ay nagsimula pa noong Oktubre 28 at magpapatuloy hanggang Nobyembre 5.

Sa unang payout noong Oktubre 29, 818 benepisyaryo sa Camalig, Albay ang nakatanggap ng P3.2 milyon habang umabot sa 7,249 benepisyaryo ang nakatanggap ng kabuuang P30.83 milyon.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Tiniyak naman ng DOLE na patuloy silang magbibigay ng tulong, kabilang ang emergency employment sa ilalim ng TUPAD upang matulungan ang mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya.