SORSOGON CITY – Nasa 15,162 piraso na ng fresh chicken eggs ang naipamahagi ng Provincial Nutrition Council sa 14 na munisipyo at lungsod sa buong probinsya sa nagpapatuloy na Dietary Supplementation Program ng provincial government para sa mga malnourished children.
Ang 144 na mga barangay sa probinsya ang benepisyaryo ng programa ay kinabibilangan ng 23 mga barangay mula sa Bulan, 17 sa Sorsogon City, 14 sa Donsol, 13 sa Matnog at Pilar, 11 sa Irosin, 8 sa Barcelona, Casiguran at Juban, 7 sa Castilla at Magallanes, 6 sa Pto. Diaz, 4 sa Bulusan, 3 sa Gubat at 2 sa Sta. Magdalena.
Ang nasabing programa na sinimulan noong Agosto 16 ay nakatakdang magtapos sa buwan ng Disyembre kung saan target ng PNC na makapagbigay ng 156,720 na mga itlog. Mababatid na ang programa ay isa sa mga interbensyon ng Pamahalaang Lalawigan upang masolusyunan ang problema kaugnay sa nutritional status ng mga kabataan na na na-identipika na severely wasted at wasted.
