BNFM Bicol – ISUSULONG ng National Nutrition Council (NNC) katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol ang Dietary Program sa 1,138 na mga buntis sa apat na probinsya sa Bicol.
Manggagaling ang mga buntis sa mga bayan ng Barcelona, Gubat, at Sta. Magdalena sa Sorgsogon; Bagamanoc, Baras, Bato, Gigmoto, Panganiban, at San Miguel sa Catanduanes; Bombon, Cabusao, Camaligan, at Gainza sa Camarines Sur; at Baleno at Mandaon sa Masbate.
Ayon kay Agrarian Reform Program Officer, Christine L. Ascutia, magsisimula ang proyektong “Tutok Kainan” dietary supplementary program ngayong linggo at tatagal sa loob ng 90 araw.
Sinabi rin ni Ascutia na ang food supply katulad ng mga gulay at prutas ay manggagaling mula sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) na direktang bibilhin ng NNC upang magbigay kita ng PHP 3.4 million sa mga magsasaka.
Layunin ng programa na maiwasan ang low birth weight at stunting ng mga bata at para na rin mapabuti ang pagkain ng mga buntis sa mga nasabing lugar ayon kay Ascutia. ### Pauline Manga, Intern