Nangako ang North-South Commuter Railway (NSCR) sa mga commuters mula Buendia sa Makati o Alabang, Muntinlupa na makakarating na sila sa Clark International Airport sa Pampanga nang wala pa ng isang oras.
Ang high-tech system ng NSCR ay umaabot mula Calamba, Laguna hanggang Clark, Pampanga.
Inaasahan itong magbubukas at mag o-operate sa unang quarter ng 2028.
Sa ngayon, 95% nang kumpleto ang Balagtas Station sa Bulacan at inaasahan itong pinakaunang matatapos na estasyon ng NSCR.
Tinityak naman ng Department of Transportation na magiging abot-kaya ang pamasahe sa ilulunsad na Railway System.