Umasa ang Philippine Business for Education (PBEd) na gagamitin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang kanyang ‘political will’ para sa reporma ng edukasyon.
Kaugnay rito, hinimok ng PBed si Pangulong Marcos na pag-usapan ang education reforms sa kanyang pangalawang SONA, sa Lunes.
Ayon kay PBed President Chito Salazar, oras na para bigyang importansya ng pamahalaan ang sektor ng edukasyon.
Dagdag pa ni Salazar, isantabi ‘muna’ sana ang political calculations at gawing priority ang dapat gawin para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa huli, sinabi ng grupo na kailangan ng ahensya magkaroon ng long-term education agenda, at inter-agency coordination nang mapabuti ang education plan sa Pilipinas, at matiyak ang sustainability nito.
