DICT, mahigpit na binabantayan ang global outage na nakaapekto sa ilang bangko at airlines sa bansa

Binabantayan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng patuloy na global IT system outage na tumama sa ilang industriya sa buong mundo.

Kabilang sa mga apektado ang iba’t ibang bangko sa Pilipinas, pati na rin mga airline companies na napilitang magkansela ng flights kahapon at ngayong araw.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Ayon kay DICT Assistant Secretary at spokesperson Renato Paraiso, maingat nilang sinusubaybayan ang patuloy na pagkasira ng software na umano’y sanhi ng maling pag-update ng isang cybersecurity provider.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Nilinaw din ni Paraiso na ang global outage ay hindi sanhi ng hacking o cyberattack.