NAGA CITY- 3 paaralan na sa Naga City ang inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng limited face-to-face classes subalit ito ay para sa medical courses lamang.
Sa inilabas ng CHED Bicol na listahan, nanguna sa 8 na mga paaralan ang Naga College Foundation (NCF), pang anim ang University of Nueva Caceres (UNC) at pangwalo ang Universidad de Sta. Isabel (USI).
Noong Abril, umarangkada na ang limited face-to-face classes sa NCF, inaprubahan ng CHED -Bicol ang sistema sa mga laboratory subjects, sa evaluation ng CHED katuwang na mga ahensya lalo pa ng health sector 100% complaint ang NCF sa mga health protocols laban sa COVID-19.
Tiniyak ng naturang paaralan na mahigpit na nasusunod sa mga patakaran upang hindi mabawi ang naturang pagpayag.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay NCF Pres. Mario Villanueva, sinabing isa itong pagkataon upang magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral hindi lamang sa kanila kundi maging sa ibang colleges and universities na pinayagan.