Dialysis Center na itatayo sa Olongapo, kayang tumanggap ng 100 pasyente kada araw

Kakayanin ng Dialysis Center na itatayo sa Olongapo na tumanggap ng higit isandaang pasyente sa loob ng isang araw.

Ito ay dahil ang itatayong 3-storey building ay paglalagyan ng tatlumpong dialysis chair habang mayroon na ngayong labindalawang chairs na nagagamit sa James L. Gordon Memorial Hospital.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kung susumahin ang higit 40 dialysis chairs ay magagamit para sa tatlong sessions ng magkakaibang pasyente kaya lalabas na higit isandaang indibidwal ang makikinabang sa kada araw.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay Hospital Chief Dr.J Ewel Manuel, gamit ang benipisyo mula sa PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation ay malilibrre ang malaking gastos ng mga pasyente.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO