DFA: ‘unverified phone call’ ng China at WesCom – layunin lang magdulot ng kalituhan

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa ipinakakalat na balita ng China na ‘di umano’y mayroong ngang naging phone call sa pagitan ng China at ng AFP-Western Command (WESCOM).

Sa isang pahayag, idiniin ng DFA na hindi dapat tayo basta-basta nahuhulog sa mga ‘false narratives’.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Anila, ang mga ganitong uri ng taktika ay nagpapakita lang ng layuning guluhin, paghati-hatiin, at lituhin ang Philippine agencies at ang mismong mga Pilipino.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Kung maaalala – sinabi ni Defense Sec. Gibo Teodoro na ipauubaya niya na sa DFA ang imbestigasyon hinggil sa isyu.

Para naman sa Philippine Navy – sinabi ni Commo Roy Vincent Trinidad na ‘di na dapat pang itong pansinin pa at paglaanan ng oras.