Mas hihigpitan pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapapasok ng mga Chinese sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay magpapatupad ng karagdagang requirement ang DFA sa mga Chinese nationals na mag-a-apply ng Philippine temporary visitor’s visa.
Ayon sa ahensya, kasama na ngayon sa requirements ang pagsa-submit ng Chinese Social Insurance Record Certificates.
Ang sertipikasyon na ito ay dapat naka-register nang hindi bababa sa anim na buwan sa oras ng submission ng visa application.
Mayroon din itong exceptions, pero ikokonsider lang umano on a case-to-case basis.