DFA, nababahala sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran

Naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs hinggil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa DFA, nababahala sila sa nangyayaring girian sa pagitan ng dalawang bansa.

Dahil dito ay hinihimok niya ang mga bansang involved na itigil na at huwag nang palalain pa ang ganitong mga gawain, at idaan sa mapayapang resolusyon ang hindi pagkakaunawaan.

Read More:  Marcos set to address the nation in fifth SONA

Mababatid na nagbitaw ng malaking aerial attack ang Iran sa Israel noong weekend – kung saan aabot sa 300 drones at missile ang pinaputok.

Read More:  Paolo Duterte blasts Marcos’ 2026 SONA, questions silence on flood control, PhilHealth, Maharlika fund

Ito ay kasunod ng pinaghihinalaang pag-atake ng Israel sa Iranian consulate sa Damascus, Syria noong mga unang araw ng Abril.

Sa ngayon, pinakikiusapan na ang Israel na tumigil na pahupain na ang tensyon sa pagitan nila ng Iran.