DFA, inilunsad ang ‘passport-on-wheels’ sa Pasay

Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport-on-wheels sa Cuneta Astrodome Pasay City bilang tugon sa kaliwat-kanang reklamo sa serbisyo ng kanilang ahensya.

Magsisimula ang naturang serbisyo sa ika-11 ng Abril mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, inaabisuhan ang publiko na sundin pa din ang online appointment ng DFA upang makaiwas sa aberya at siguraduhing dala ang mga original at photocopy ng kanilang mga dokumento.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Matatandaan na umani ng samo’t saring batikos ang naturang ahensya dahil sa matinding pila sa Aseana Parañaque City kung saan karamihan sa mga Pilipino ay madaling-araw pa lang ay nandoon na at nagbabakasakaling matatapos agad ang kanilang transaksyon. (ARGIE ERGINA)