18 mga private armed groups sa Mindanao – nabuwag na ayon sa OPAPRU

Nabuwag na ang 18 potensyal na private armed groups (PAGs) sa ilang mga rehyon sa Mindano.

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), nagmula ang mga PAGs na ito sa bahagi ng Zamboanga Peninsula, SOCCSKARGEN, at Bangsamoro regions.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Binigyang-diin ni Acting Presidential Adviser Isidro Purisima ang kahalagahan ng pagtulong sa mga dating miyembro ng PAG na lumipat tungo sa pagiging mapayapa at produktibong mamamayan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag pa aniya, ang dapat pang pagandahin ng naturang ahenysa ay kung paano nila matutulungan ang mga ex-armed group members na ito na maging mapayapa, produktibo, at masunurin sa batas tungo sa matagumpay na pagbabago. (Brigada Intern-JC Javier)