DFA – iimbestigahan ang aktibidad ang mga diplomats sa bansa

Sisilipin na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroon bang mga posibleng paglabag sa batas na ginagawa ang mga diplomats sa bansa.

Kasunod ito ng paga-anunsyo ng Chinese Embassy na ‘di umano’y may ilalabas silang phone call sa pagitan ng China at ng AFP-WesCom – bagay naman na malinaw na paglabag sa anti-wiretapping law.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na aaralin nila kung mayroon nga bang iligal na ginawa ang mga foreign diplomats.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin daw ang kanilang pag-respeto at pagsunod sa batas, bilang isang responsableng miyembro ng international community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *