Logistics Data Information and Management System ng PNP – pansamantalang shinut-down

Kinumpirma ng PNP na may nagtangkang i-hack o i-breach ang Logistics Data Information and Management System.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, kumikilos na ang Anti Cyber Crime Group at agad na ishinut down ang system upang maiwasan ang lalu pang damage sa sistema kung meron man

Sinabi pa ni Col. Fajardo na sa inisyal na asessment ng mga IT personnel ay wala pa silang nakitang naapektuhan ng tangkang breach, kayat nagpapatuloy ang pagsusuri.

Nagsasagawa rin ng hiwalay na assessment ang anti cyber crime group sa insidentepara masiguro na hindi naapektuhan ang logistical at data information ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *