DFA, iginiit na walang legal na basehan ang China sa paratang nito sa PH

Iginiit ng Department of Foreign Affairs na walang legal na basehan ang mga paratang ng China na nanghihimasok ang Pilipinas sa kanila umanong teritoryo.

Kasunod ito ng pahayag ng China na ilegal na pumasok ang barko ng Pilipinas sa Bajo de Mansinloc noong October 30.

Sinabi ng DFA na ang ganitong pahayag ay nagpapataas lang ng tensyon sa West Philippine Sea.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Dagdag pa nila bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc.