Nakarating na sa Egypt ang dalawang Pilipinong medical staff na kabilang sa mahigit 300 non-Palestine na pinadaan sa nagbukas na Egypt-border.
81 sugatan na Palestino naman ang pinayagang makatawid ng Egypt upang mabigyan ng lunas.
Nakalusot na rin sa border ang nasa 300 foreign citizen na mula sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa mga otoridad inaasahang magbubukas ang borders para sa mas maraming foreign passport holders sa mga susunod na araw.
Tuloy rin ang pagpasok sa borders ng humanitarian aid papuntang Gaza bagama’t kapos pa rin ang pagkain, tubig at tulong medikal.
Samantala, personal ng nakiusap ang embahada ng Pilipinas sa mga opisyal ng Egypt kabilang na ang counterpart nito para payagan makatawid ng border ang mga natitirang Pilipino.
