Ikinababahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi raw nakatitiyak na makakatanggap ang Pilipinas ng sapat na boto mula sa international community kaugnay sa isinagawa ng China sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, maraming konsiderasyon ang kinakailangan sa pagpasa ng United Nations General Assembly (UNGA) resolution.
Dagdag pa nito, magiging masyado itong “politikal” at hindi na maglalayon sa legal o humanitarian issues.
Sa huli, sinabi ng kalihim na sapat na ang ligal na pagkapanalo ng Pilipinas sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.
