Desisyon na ‘mali’ ang pag-disqualify sa Smartmatic – wi-nelcome ng kumpanya

Winelcome ng Smartmatic ang pagpabor ng Supreme Court na nagsasabing hindi tama ang pag-disqualify ng COMELEC sa mga ito.

Ayon kay Atty. Christian Robert Lim ng Smartmatic, nagpapakita ng hustisya ang pagpanig ng SC, at nagpapakita ng kahalagahan ng due process.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag pa nito, binibigyang-katarungan ng SC ang 90% ng mga Pilipino na sumusuporta sa automated elections, at ang mga taong nagtitiwala sa kakayahan ng Smartmatic simula pa noong 2010.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mababatid na isa sa mga dahilan ng desisyon ng Korte Suprema ay nagmula sa umano’y biglaan at illegal disqualification ng Smartmatic ilang araw lang bago mauwi sa non-competitive procurement process ang bidding.