Deped: Walang naitalang adverse events sa F2F classes sa NCR

Naging matagumpay ang pagbubukas sa second phase ng pilot in-person classes sa 28 paaralan sa Metro Manila, kahapon.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, wala silang natanggap na anumang adverse events.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Dagdag ni Malaluan, napakahalaga ang magiging resulta sa National Capital Region, bilang ito ay highly urbanized at congested area.

Dahil naman sa maganda ang tinatakbo ng limited in-person classes, inaasahan ng Deped ang magiging rekomendasyon para sa pagpapalawak nito sa expanded phase sa susunod na taon.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Sinabi naman ni Malaluan na may direktiba na si Education Secretary Leonor Briones sa mga DepEd officials na atasan ang mga public at private schools na maghanda para sa expansion. //MHEL PACIA-TRINIDAD