DepEd, nangakong tutugunan ang kahilingan ng Pangulo na ibalik ang dating school calendar sa susunod na taon

Nangako ang Department of Education (DepEd) sa desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ibalik ang dating school calendar sa susunod na taon.

Para maiwasan ang kanselasyon ng mga klase dahil sa matinding init ng panahon, nais ng Pangulo na ibalik ang lumang school calendar na magsisimula sa Hunyo at matatapos ng Marso.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, nakapagbigay na sila ng liham kay PBBM hinggil rito.

Sa ilalim ng bagong diskarte na binalak ng Bureau of Learning Delivery ng DepEd, ang mga paaralan ay magkakaroon lamang ng 165 araw ng personal na klase, mas mababa kaysa sa 180 hanggang 220 araw na itinakda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *