Mga senador, suportado ang pagpapalawig sa kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US

Suportado ni Senator Francis Tolentino ang expanded defense at security cooperations sa pagitan ng Pilipinas at United States.

So Tolentino ay vice-chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, at siya rin ang senior vice-chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng joint announcement ng Manila at Washington kaugnay sa plano na i-accelerate ang full implementation ng EDCA, kung saan may kasunduan na magtalaga ng apat na bagong Agreed Locations sa mga strategic areas ng Pilipinas at substantial completion sa mga proyekto sa umiiral na limang Agreed Locations.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay Tolentino, ang pagkakaibigan at soberenya ay kailangang maging key pillars sa paglalatag ng mga parameters para sa naturang bagong partnership sa pagitan ng dalawang Pacific-ally nations.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Mababatid na sa gitna ng bagong tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at South China Sea, ipinanukala ni Tolentino ang pagsasagawa ng multilateral show ng maritime security cooperation sa United States at iba pang kapitbahay na mga bansa na mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).