DepEd Sorsogon City target makuha ang 3.4 milyong Brigada Eskwela generated resources ngayong taon

SORSOGON CITY—Tiwala ang Department of Education (DepEd) Sorsogon City Division na maaabot nila ang target na nasa 3.4 milyong halaga ng Brigada Eskwela generated resources ngayong taon.

Ayon kay Schools Division Superintendent William Gando, kung nakuha nila noong Brigada Eskwela 2021 ang kabuuang 1,725,262,072.21 na generated resources sa kabila ng pandemya ay tiyak na mas malaki ang malilikom nila ngayong nasa new normal na ang lahat.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Patuloy din umano ang suporta ng mga stakeholders sa kanilang mga programa lalo na ang mga pribadong sektor at ang lokal na pamahalang panlungsod.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ngayon, nagpapatuloy ang brigada eskwela sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod kung kayat patuloy ang paghikayat ng ahensya sa lahat na tumulong at ipakita ang espiritu ng volunteerism sa ngalan ng edukasyon.