DepEd Sec. Angara, planong amyendahan ang MATATAG curriculum upang bigyan ng pahinga ang mga guro

Matapos makalusot sa Commission on Appointments (CA), tiniyak ni Department of Education Secretary Sonny Angara na kasama sa kanyang plano ang ilang pagbabago sa sistema ng edukasyon.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kabilang dito ang pagbibigay ng pahinga sa mga guro, matapos silang obligahin na magtrabaho ng hanggang anim na oras sa isang araw.

Ito’y matapos niyang marinig ang ilang komento ng mga guro hinggil sa MATATAG curriculum.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Bukod pa sa kalihim, inihayag din ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang pagkabahala nila sa kasalukuyang workload ng mga guro.