Aprubado na ni Education Sec. Sonny Angara ang implementing rules and regulations na nagbibigay ng P10,000 allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Saklaw din ng probisyon ang pagbibigay ng allowance sa mga guidance counselors, school librarians, vocational instructors, lahat ng indibidwal na gumagawa ng supervisory at administrative function sa lahat public schools, Alternative Learning System, at Mobile Teachers.
Kasama din dito ang District ALS Coordinators ng lahat ng public elementary, junior, and senior high schools, at community learning centers.
Pinapurihan naman ng ilang Senador ang paglagda sa IRR ng Republic Act No. 11997, ang Kabalikat sa Pagtuturo Act.