24 years old na lalake biglang tumanda matapos ma-broken hearted

Matapos na mabigo sa pag-big, pinili ng isang 24 anyos na lalake sa China na manirahan sa kabundukan ngunit makalipas lang ang limang buwan bigla itong nagmukhang matanda.

Tinawag siyang ‘Uncle’ ng mga nakakakita sa kanya dahil inaakala ng mga ito na in his 40s na siya.

Ayon kay Uncle,  na-sobrahan umano siya pagbilad sa araw kaya naapektuhan ang kanyang balat.  Maliban dito, tumaas na rin ang kanyang hairline at kitang-kita ang wrinkles sa kanyang eye area.

Giit niya na bata pa siya at bilang patunay ay ipinapakita niya ang kanyang ID kung saan makikita na ipinanganak siya noong December 2000.

Dati siyang seaman at nagtrabaho sa isang freight ship na bumibiyahe sa Southeast Asia.

Kwento ni Uncle, nang magkahiwalay sila ng kanyang nobya nagdesisyon siyang mamuhay sa bundok at lumayo sa sebilisasyon para malabanan ang kanyang nararamdamang depression.

May nakapagsabi umano sa kanya na ang hiking activity sa Qinghai-Tibetan Plateau sa China ay kayang mag-purify ng naguguluhang isipan ng isang tao.

Nanindigan naman si Uncle na hindi niya ipagpapalit ang katahimikan ng buhay sa anumang bagay kahit ang pagiging mukhang bata.