DepEd, nanatiling most-trusted at top-performing agency sa bansa ayon sa OCTA

Nanguna ang Department of Education (DepEd) sa most-trusted at top-performing agency sa bansa sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research Group.

Sa isinagawang survey ng OCTA nitong March 11-14, nakakuha ang DepEd ng 82% na trust rating at 84% na performance rating.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Pumangalawa naman bilang pinagkakatiwalaang ahensya sa bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) sa trust rating na 79%.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Pasok din bilang most-trusted agencies ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sumunod naman bilang top-performing agency ang DOH na nakakuha ng 80% na performance rating na sinundan ng DSWD, CHED, at DPWH.