NAGA CITY- Umarangkada na kahapon ang academic year 2021-2022 sa buong bansa.
Sa flag raising ceremony, dumalo ang ilang mga school personnel habang virtual naman para sa mga mag-aaral.
Sa mensahe ni Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman nang dumalo virtually sa pagbubukas ng klase sa Camarines Sur National High School sa lungsod ng Naga sinabi nitong , para sa marami naiiba pa rin ang academic year an ito subalit umaasa siyang mas mabilis nang makaka-adjust ang mga mag-aaral, magulang at guro sa blended o distant learning dahil marami na ang natutuhang mga istraterhiya noong nagdaang academic year.
Samantala , ipagpapatuloy ng DepEd ang kanilang Complimentary learning modality kung saan kapartner ang mga radio stations tulad ng 103.1 Brigada News FM Naga.
Sa tala ng DepEd –Bicol umabot sa 44, 526 ang enrollees sa Naga City.