DepEd, itinanggi na nag-isyu ito ng waivers para sa mga guro na nagsasagawa ng face-to-face classes

Nilinaw ng Department of Education na hindi nito inutos ang issuance ng waivers para sa mga guro na nagsasagawa ng face-to-face classes.

Itinanggi rin ng DepEd na wala itong ipainatutupad na “no vaccination, no work” policy.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sa hearing ng House Committee on Basic Education and Culture, ay sinabi ni Marikina Representative Stella Quimbo na mababasa sa waivers na hindi magkakaroon ng anuman liabilities ang ahensya sakaling tamaan ng COVID-19 ang mga guro.

Ito ay dahil marami pa umano sa mga guro na nagtuturo sa face-to-face classes ay hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Tiniyak naman ni DepEd Undersecretary Toni Umali na aalamin nila kung saan galing ang nasabing alegasyon ng kongresista.