LEGAZPI CITY – Pormal na binuksan kahapon ang ika 71 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa SM Mall Legazpi ang Sustainable Livelihood Program (SLP) Product Display and Exhibit.
Ayon kay Regional Director Leo Quintinilla ng DSWD Bicol, inilunsad ng tanggapan ang sustainable livelihood products na ginawa ng 4ps Benepisyaries.
Ang nasabing aktibidad ay ipaalam ang mga programa at serbisyon ng DSWD at maipakilala ang mga natatanging produkto na likha ng mga benepisyaryo ng SLP sa bawat Probinsya sa Bicol.
Maliban pa rito, mabigyan ng pagkakatataon maemarket at exposure ang kanilang mga nagawang produkto.
Dagdag pa nito matagal na rin ang programa na SLP kung saan halos mahigit libo na rin ang natulungan ng ahensya.
Tatagal ang product display at exhibit mula Marso 28 hanggang Abril 1 ng kasalukuyang taon. Panawagan ng dswd na tangkilikin o bilhin ang mga lokal na produkto dahil pinaghirapan ito ng mga myembro ng SLP.
inabi ng opisyal, nais rin nitong ilagay ang mga nagawang produkto sa mga tourist destination ngayon nalalapit na summer season.