DepEd  CamSur, nakapagtala na ng P1.9 bilyong danyos; ilang paaralan hindi pa makakasabay sa balik eskwela ngayon

CAMARINES SUR- Hindi nakaligtas sa bahang dala ng Bagyong Kristine ang mga gamit sa mga paaralan tulad ng mga libro sa Camarines Sur, sa inisyal na ulat ng DepEd CamSur Division umabot na sa P1.9 bilyong pisong dayos.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Atty. Salvador Pelingon, tagapagsalita ng nasabing Division. Aniya , hanggang noong Sabado Nobyembre 2, todo pa ang paglilinis sa mga paaralan. Mayroon pa ngang baha parin tulad sa Rinconada Area.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa memorandum ni Regional Director Gilbert Sadsad , sa Bicol Region puwede na magbalik- eskwela na ngayong Nov. 4 , pero depende pa rin ito sa sitwasyon ng paaralan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa memo ni Camarines Sur  Governor Luigi Villafuerte, wala pang pasok ngayong Nov. 4 sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado pero mayroong poder ang alkalde at DepEd na bawiin ito kung ligtas na at kaya nang makabalik sa klase ng nga estudyante.