DepEd Bicol, nakiusap sa PDEA at PNP na muli silang tulungan upang malaman ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot

NAGA CITY- “Dapat na maging modelo sa magandang asal ang mga guro”.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Department of Education Regional Director Dr. Gilbert Sadsad matapos na maaresto ang isang guro sa Goa, Camarines Sur na nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay Sadsad, wala silang pondo para sa drug testing kaya nagpapasalamat sila sa aksyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa paghahanap sa mga nalilihis ng landas.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kasunod nito ang pakiusap ng Regional Director sa PDEA at PNP na muli silang tulungan kung may bulok sa organisasyon. Marami aniya ang mabubuting guro kaya piliing maging tama ang tatahaking landas.