Kinilala ni DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna sina Palawan Governor Jose Alvarez at El Nido Mayor Edna Lim dahil sa kanilang pambihirang pasimuno upang magkaroon ng state-of-art sewage treatment plant sa El Nido.
Sa mensahe naman ni Usec. Juan Miguel Cuna, pinuri nito ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at Lokal na Pamahalaan ng El Nido sa paglalagay ng El Nido Sewage and Solid Waste Treatment Plant alinsunod sa Republic Act No. 9275 – Clean Water Act at Republic Act No. 9003 – Ecological Solid Waste Mgt Act.
Ang mga opisyal ng DENR at Lokal na Pamahalaan ng El Nido ay nagkaroon ng pirmahan ng pangako na magtutulungan para sa proteksiyon at pagpapanatili ng water resources sa nabanggit na tourist destination sa lalawigan.