Mga nagsisiksikang pasyente problema pa rin ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital

CAMARINES NORTE- Malaking problema pa rin ngayon ang siksikang mga pasyente sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Dahil sa sobrang dami ng mga pasyenteng dinadala dito kada araw- ay hindi na ma- accommodate sa mga ward kaya  marami ang nagkakasya na lamang sa mga hallway ng ospital na may kaniya- kaniyang dalang folding bed.

Maging ang mga bagong panganak ay nasa hallway na rin dahil sa sobrang dami ng mga nanganganak at puno na ang OB ward.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nitong Lunes, pagkatapos ng Flag Raising Ceremony ay “first order of business” ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang pagbisita sa iba’t- ibang ward upang alamin ang kalagayan at kumustahin ang mga pasyente.

Ayon kay Dr. Francisco, marami talagang pasyente ang dinadala sa CNPH kada araw dahil sa sobrang mahal ng bayarin sa mga pribadong ospital.

Hindi rin umano pwedeng tanggihan ng CNPH ang mga dinadalang pasyente dito na nangangailangan ng atensyong medical dahil ito ang end referral hospital sa lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Upang tugunan naman ang dami ng mga pasyente, may mga ginagawang expansion ang CNPH sa iba’t- ibang ward tulad sa OR, surgery, orthopedic at Ob Gyne ward.

Ilalagay sa malaki- laking espasyo sa third floor ang normal delivery o ang mga non complicated delivery upang ma decongest ang OB ward at dito naman ilalagay ang mga high risk pregnancy at ang mga kailangang operahan.

Ang mga development project na ito ay tuloy- tuloy na ginagawa na target matapos ngayong taon.