DENR-Bicol, umapela sa mga bagong kawani na maging mga “environmental warriors” lalo na ngayong may pandemya

BICOL – Upang mas lalo pang palakasin ang kapasidad ng mga kawani, nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ng Capability Development and Orientation para naman sa mga newly hired na technical staff at forest protection officers.

Kabilang sa isinailalim sa oryentasyon ang limang Technical Support Specialists, pitong Project Support Officers, Technical Staff, labing walong (Enumerators at tatlumpung mga Forest Protection Officers.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni DENR Bicol Regional Executive Director Francisco Milla Jr., sa pamamagitan ng  Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Albay.

Ayon kay Milla, bagama’t naging malaking hamon sa kanila ang pandemya sa pagsasagawa ng mga environmental activities, hindi tumigil ang ahensya sa pagsasagawa ng mga aktibidad na layong i-angat at maisulong ang adbokasiya ng ahensya.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Binigyang-diin nito sa mga bagong kawani, na nakapaloob sa Executive Order No. 192, ang DENR ang “primary government agency” na mangunguna sa pagsusulong ng environmental conservation, management and protection.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mga bagong kawani na gawin ang lahat ng makakaya at maging mga “environmental warriors” na magiging katuwang nila sa pag protekta at pangangalaga ng kapaligiran at mga likas na yaman.