Ibinunyag ng isang ranking official ng Department of Agriculture na may mga corrupt officials sa DA at sa Bureau of Customs na dawit sa pagpupuslit ng mga imported crops sa bansa.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste, totoong sinabi niya sa mga magsasaka sa Benguet sa isang dayalogo noong March 15 na may mga high-profile individuals ang sangkot sa smuggling ng agricultural goods.
Kaugnay nito, inihalintulad ni Laciste ang isyu smuggling sa problema ng ilegal na droga sa bansa, kung saan ang korapsyon umano sa agriculture industry ay malalim na ang ugat.
Samantala, kinondena naman ni Agriculture Secretary William Dar ang smuggling ng agricultural goods, bilang ito umano ay nagiging kompetensya ng mga local farmers, fishers at food producers, kung saan nawawala ang kanilang kabuhayan at kita.